10 Things That Made my Husband Happy
Mula sa sayt ng aking pinakamamahal na asawa. Dahil konti lang ang mga kaibigan nya sa Multiply, eto at irerepost ko na lang. Masaya sya. Masaya ako. Masaya kaming dalawa. Eh ikaw? Masaya ka ba sa buhay mo kahit Ferrari ang dinadrayb mo?Haha. Wala. Antok na ako.
1. Masarap magtrabaho pag busog sa umaga. (Health is wealth and breakfast is the most important meal of the day because it “breaks the fast.”) salamat sa maganda kong asawa na nagluluto ng kung anu-anong prito…. hotdog, luncheon meat, itlog.
2. salamat at niluto rin ni misis ang napakasarap na tinolang manok, adobong baboy, at sinigang na baboy (although kulang pa sa asim-anghang ang sabaw)…
3. salamat at marunong na akong magsaing… rice cooker style..
4. salamat sa Diyos at natuto ako sa mga gawaing bahay: linis ng banyo, hugas pinggan at baso, labas ng basura, ayos ng kama (pag ako yung huling bumangon), mag-karpintero sa nasirang pinto ng cabinet namin….. kelangan ko pa matuto magluto para hindi na gumising ng maaga si Reah…:)
5. ang gastos ko sa pagcommute araw-araw:
Bangka from Mandaluyong to Makati through Pasig River = P2.00 x 2 = P4.00
Ayala Jeep from JP rizal to The Enterprise Center = P7.50 x 2 = P15.00
Total = P19.00 per day.
6. madugo man ang trabaho, ayos lang kasi nakikita ko ang pamilya ko halos araw-araw kasi bago umuwi, dumadaan muna ako sa bahay bago sa aming munting paraiso ni Reah..:)
7. Ang pag-ibig ng aking pinakamamahal na asawa.
8. ang hiwaga ng internet: nakakapagusap kami ni Reah kahit nand2 ako sa office (pag may seconds na idle time)…
9. Salamat at kahit malayo sila PC, ate Rens at Nav, parang nasa kabilang apartment lang dahil sa SKYPE…:)
10. Salamat sa Diyos dahil malusog ako, walang sakit, at “as strong as an ox!” Praise God!
[written by the husband, posted by the wife]

24.Christian.Daughter.Sister.